BINARIL ANG DALAWA? Magkapatid, patay sa pamamaril sa araw ng Pasko at kaarawan ng kanilang ina sa Cebu City
Matinding sakit ang nadarama ng isang ina matapos barilin at patayin sa loob ng kanilang bahay ang dalawa niyang anak. Nangyari ang krimen sa Cebu City sa araw ng Pasko, na kaarawan din ng ginang.
Kinilala ang mga biktima na sina Melber at Rommel Fernandez. Suspek sa krimen ang kanilang kapitbahay, na naaresto ilang oras matapos mangyari ang pamamaril.
Napag-alaman na kalalabas lang ng kulungan si Melber, dahil sa kaso ng pagpatay sa kamag-anak ng suspek.
Paghihiganti ang lumilitaw na motibo ng suspek sa pagpatay sa mga biktima.
Ayon sa asawa ni Rommel, dalawang lalaki ang pumasok sa kanilang bahay at unang binaril si Melber.
Nang tangkang sasaklolohan ni Rommel ang kapatid, pati siya ay binaril din.

No comments: