PINATAY AT GINALAW NG ADIK! 5-anyos na babae, brutal na pinatay at ginahasa ng 2 adik sa Batangas, suspek aminado sa krimen


Natagpuang patay at nakalagay sa sako ng isang babaeng limang-taong-gulang na nahuli-cam na nangangaroling sa isang bahay sa Santo Tomas, Batangas. Ang isa sa dalawang suspek na nadakip, aminadong lango sila sa ilegal na droga at pinatay muna ang bata bago nila ginahasa.

Sa naturang araw, nakita pa ang isa sa mga suspek sa hiwalay na CCTV footage na naglalakad at may hawak na sako.

Kinabukasan, Sabado, nadiskubre ang bangkay ng biktima na nakalagay sa sako at itinapon sa isang lugar.

“Kami po ay naka-receive ng isang ulat sa pagkakadiskubre ng isang katawan ng isang batang babae, kung saan ito na nga po yung napaulat na nawawala,” ayon kay Sto. Tomas Police chief P/Lt. Col. Marlon Cabataña.

Kaagad naaresto noong Sabado ang dalawang suspek na edad 22 at 33.

Ang 22-anyos na suspek umano ang nagpapasok sa biktima sa bahay. Inamin niya ang krimen at ang paggamit nila ng ilegal na droga.

“Gumamit, sir ng pinagbabawal na gamot….Dumating na ang punto na nandoon na sa taas yung bata, iba na yung takbo ng utak namin,” saad niya.

Aniya, patay na ang bata nang halayin nila.

“Napagplanuhan na po namin na ganito po ang gagawin…Hindi namin po makaya yung kuwan ng droga, hindi po namin kayang kontrolin. Kumbaga wala na po kami sa sarili,” patuloy ng suspek. 

No comments:

Powered by Blogger.