PINATAY AT TINAPON? Bangkay ng babaeng nakabalot sa plastic, nakita sa gilid ng kalsada sa Gamu, Isabela
Isang bangkay ng babae na nakabalot sa pulang plastic ang nakita sa gilid ng kalsada sa Gamu, Isabela.
Ayon sa pulisya, isang napadaan sa lugar ang nakakita sa nakabalot na bangkay at nagreport sa awtoridad.
Hindi naman binanggit sa report kung ano ang ikinamatay ng biktima.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na nagpaalam ang biktima sa kaniyang asawa na may pupuntahan noong Biyernes pero hindi na nakauwi.

No comments: