Salpokan! 13 patay sa banggaan ng speed boat, passenger ferry
NASAWI ang 13 katao habang kritikal ang dalawa pa matapos magbanggaan ang passenger ferry at navy speed boat malapit sa sikat na tourist destination sa Mumbai, India noong Miyerkoles.
Ayon kay Devendra Fadnavis, hepe ng minister of Maharashtra state, nangyari ang salpukan ng dalawang sasakyang pandagat habang patungo ang pampasaherong barko sa Elephanta Caves sa Sea of Oman na isa sa mga sikat na tourist destination sa Mumbai.
Nawalan umano ng kontrol ang navy speedboat habang nagsasagawa ito ng engine trial sa Mumbai Harbour dahil sa engine malfunction.
Tumama ang speed boat ng Indian Navy sa pampasaherong barko na naging sanhi ng paglubog nito na ikinasawi ng 10 sibilyan at tatlong Navy personnel.
Sa ulat, umabot na sa 101 katao ang nailigtas ng Indian Navy, coast guard at pulisya.

No comments: