Na Agnas! LGBTQ natagpuang agnas sa isang sa condo QC




Umaalingasaw na ang bangkay ng 43-anyos na lalaki na umano’y miyembro ng LGBTQ nang mabungaran sa loob ng cadaver bag sa isang condominium sa Quezon City nitong Linggo ng hapon.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-5:25 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakilalang si alyas “Usman”, sa loob ng inuupahan niyang condo unit sa Brgy. Pasong Putik, QC.

Batay sa imbestigasyon ni P/Cpl Errika M Casupanan, kinokontak umano ng may-ari ng condo na sina alias Crisostomo at Pascual ang biktima subalit hindi ito sumasagot.


Dahil dito, nagpasya na umanong puntahan ng dalawa kasama ang mga guwardiya ang unit ng biktima at nang buksan ang pintuan gamit ang duplicate na susi ay bumungad sa kanila ang biktima na nakahandusay sa reclining chair habang nasa loob ng cadaver bag ang kalahati ng katawan.

Dumating ang SOCO team mula sa QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni P/Cpt. Michael Jabel at nadiskubreng naaagnas na ang bangkay ng biktima.


No comments:

Powered by Blogger.