Nahulog! Isang Bus nag-dive sa tulay 2 dedo, 19 sugatan




Nahulog ang isang mini bus mula sa isang tulay sa kahabaan ng MacArthur Highway sa Calumpit, Bulacan nitong Martes, Enero 14, na naging sanhi ng pagkasawi ng dalawang pasahero.

Nakumpirma ng Calumpit Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang bilang ng mga nasawi habang nasa 19 pasahero naman ang naitalang nasugatan sa aksidente.

Ang nasabing bus ay biyaheng Malolos-San Fernando at nahulog habang binabaybay ang tulay sa MacArthur Highway sa bahagi ng Barangay Iba O-este.

Sa report, napag-alaman na ilan sa mga nasugatan ay mga estudyante ng Bulacan State University (BulSU).

Dagdag pa ng Calumpit MDRRMO, kasama sa natamaan ng sasakyan ang isang tricycle na may sakay na pasahero.

Agad namang dinala sa Bulacan Medical Center ang ilan sa mga nasugatan habang dinala naman ang ilang biktima kasama ang bus driver sa Calumpit Municipal Police Station.


No comments:

Powered by Blogger.