Nasa Tubuhan! Batang babae ginah@sa, pinat*y sa tubuhan




Walang saplot sa katawan nang matagpuan ang bangkay ng limang taong gulang na batang babae sa masukal na lugar sa Valencia City, Bukidnon nitong Sabado.

Ayon sa ulat ng Valencia City Police Office, ilang residente ang nakakita sa bangkay ng biktima na tinakpan ng mga dahon ng tubo, sa bahagi ng Purok 15, Brgy. Bagontas sa nasabing lungsod.

Sinasabing walang damit ang bata nang matagpuan at may palatandaan umanong ginahasa ito.

Hinihinalang ginahasa ang biktima matapos siyang marekober na wala nang suot na saplot sa katawan.
Isinailalim na rin sa autopsy ang mga labi ng bata upang matukoy ang mismong sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Napag-alaman na unang iniulat ng mga magulang sa mga awtoridad ang pagkawala ng bata hanggang matagpuan na lamang ito sa kalunos-lunos na sinapit.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen. 


No comments:

Powered by Blogger.