May Kasabwat? Lalaking nangholdap ng bangko sa Taguig, regular na kliyente Pala



Regular na kliyente umano ang lalaking nangholdap sa isang bangko sa Western Bicutan sa Taguig nitong Lunes kaya hindi na kinapkapan ng guwardiya at nakapagpasok ng baril.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nagpanggap umano na magwi-withdraw ang suspek.

Dahil regular siyang kliyente ng bangko, hindi na umano tiningnan ng security guard ang bag ng suspek kaya naipasok nito ang dalang baril.

Pinayagan din siyang gumamit ng banyo na off-limit dapat sa mga kliyente. Nang lumabas na ang suspek mula sa banyo, nakasuot na siya ng bonnet at nanutok ng baril.

Mahigit P7 milyong cash umano ang nakuha ng suspek pero naabutan na siya ng mga rumespondeng pulis makaraang pindutin ng isang teller ang alarm button na nagtimbre sa mga awtoridad.

Nadakip ang suspek na mahaharap sa reklamong robbery at paglabag sa election gun ban.


No comments:

Powered by Blogger.