HULI SI MISIS? Babae, huli sa pagpapakalat ng mga malalaswang litrato ng hinihinalang karelasyon ng kaniyang asawa



Timbog ang isang 32-anyos na babae matapos niyang ikalat ang mga malalaswang litrato ng isa pang babae na pinaghihinalaan niyang karelasyon ng asawa niya sa Quezon City.

Kabilang siya sa Most Wanted Persons List ng kanilang lungsod.

Sinabi ng pulisya na ipinakalat umano ng akusado ang mga malalaswang litrato ng biktima noong Enero 2021.

“Ito po kasi ay nag-ugat doon sa kaniyang pagdududa sa kaniyang asawa na ito ay mayroong karelasyon. Eventually ay napatunayan nga niya na mayroon nga itong medyo pinakahumalingan na ibang babae at doon niya mismo nakita sa cellphone ng lalaki na may mga hindi magandang mga pictures. Sinend sa mga kaanak nitong biktima po natin,” sabi ni Police Colonel Jenny Tecson, hepe ng Marikina City Police.

Hanggang sa nagsampa ng reklamo ang biktima laban sa babae.

Depensa ng akusado sa pulisya, hindi siya nagtago.


No comments:

Powered by Blogger.