Negosyante, patay sa pamamaril ng lalaking nakasagutan niya umano sa Bacolod City
Nasawi ang isang 54-anyos na negosyante matapos siyang barilin ng lalaking nakasagutan umano niya sa Barangay 23, Bacolod City.
“Hindi namin nakita sa kung sino ang bumaril. Kilala namin si kuya Nick, mabait siyang tao,” sabi ni Mark, isang nakarinig ng putok ng baril.
Agad namang dinala sa ospital ang biktimang si Mick Jagger Taasan, na idineklarang dead on arrival.
“Wala siyang record, mabait siyang tao, wala rin siyang record sa barangay. Around 8, may nakakita sa kaniyang may kinakausap na tao. Nang pauwi na, papunta na sana siya sa kaniyang sasakyan, binaril na siya,” sabi ng punong barangay ng Barangay 23 na si Johnny Esmil.
Narekober ng SOCO sa crime scene ang limang basyo ng bala ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril.
Patuloy ang pag-iimbestiga ng pulisya sa motibo sa pamamaril.
Tinitingnang person of interest sa krimen ang lalaking nakasagutan ng biktima at sumakay umano sa pribadong sasakyan nang tumakas.
“Mayroon na tayong suspek, kasosyo niya or may business transaction. Ang suspek, hindi pa nakilala ang pangalan pero mayroon na picture na nakita,” sabi ni Police Colonel Joeresty Coronica, director ng Bacolod City Police Office.
Tinututukan pa ng awtoridad ang pahayag ng ilang saksi sa krimen.

No comments: