BIGLANG NANAKSAK? 3, patay sa 'knife attack' ng isang lalaking nagwala sa pampublikong lugar


Tatlong indibidwal ang naitalang nasawi sa pag-atake ng isang lalaki gamit lang ang kutsilyo sa pampublikong lugar sa Taipei, Taiwan. 

Nagawa munang maghagis ng smoke grenade ang 27-anyos na lalaking kinilalang si Chang Wen at saka nito nilabas ang matalim na kutsilyo.  

Walang habas na umatake ang suspek sa mga taong nasa paligid ng nasabing unang lugar na pinangyarihan ng insidente. 

Kasunod nito, pumunta naman ang suspek sa may Eslite Spectrum Nanxi department store, malapit sa Zhongshan Station, kung saan naghagis din umano ito ng smoke grenade at umatake sa mga sibilyan na nasa una at ikaapat na palapag ng naturang gusali. 

Dahil dito, aabot umano sa tatlo ang namatay kasama ang isang 57-anyos na lalaking nagtangkang pigilan ang pag-atake ng suspek habang siyam naman ang naitalang nasugatan at nasaktan. 

Matapos nito, pumunta ang suspek sa isang bookshop at department store habang napalibutan umano ito ng mga awtoridad. 

Nasawi ang naturang suspek matapos umano itong malaglag sa ikaanim na palapag ng nasabing gusali. 

Nabigo raw mag-report sa military service ang nasabing suspek noong Nobyembre 2024 at wanted na rin umano ito sa paglabag sa mandatory military service sa Taiwan. 

Samatala, ipinag-utos naman ng Pangulo ng Taiwan na si William Lai na mabilis na imbestigahan ang nasabing insidente. 


No comments:

Powered by Blogger.