NAG ALA SUPERMAN? Ilang lugar, nawalan ng kuryente dahil sa lalaking tumulay sa kawad at umakyat sa poste sa Davao City
Nakaranas ng brownout ang ilang lugar sa Davao City sa Araw ng Pasko matapos umakyat ang isang lalaki sa poste ng kuryente at maglakad sa mga kawad sa Barangay Ilang.
Inihayag ng Davao Light and Power Co. (Davao Light) na nagkaroon ng emergency power interruption na nakaapekto sa Purok 6, Buhisan, Tibungco hanggang Km 18 National Highway, Tibungco sa Daang Maharlika Highway; at Purok 15, Panuntungan St., Barangay Km 18 Crossing Eliong Road hanggang Km 17-1 Bunawan malapit sa Unifrutti hanggang Crossing Malagamot, Panacan.
Ayon sa Davao Light, umakyat ang isang lalaki malapit sa 69kV line bandang 8:49 ng umaga, kaya pansamantalang inihiwalay ng kumpanya ang 69kV line loading ng Pampanga Substation.
Pinalibutan din ng pulisya ang lugar upang mapadali ang rescue sa lalaki.
Kalaunan, dumating ang mga tauhan ng Davao Light at ng Bureau of Fire Protection (BFP), at matagumpay na nailigtas ang lalaki.

No comments: