PINALO SA ULO! 5 sugatan nang magwala at mamalo ng bote ang isang lalaki sa isang paaralan sa Aklan


Lima ang sugatan—kabilang ang isang batang estudyante— matapos na magwala at mamalo ng basyo ng bote ang isang lalaki sa loob ng bakuran ng isang elementary school at umabot sa kalsada sa Lezo, Aklan.

Umabot hanggang sa kalsada ang kaguluhan sa walang humpay na pagwawala ng lalaki, at napilitan na rin ang mga residente na gumanti na dahilan para masugatan din siya.

Ayon sa isang saksi, isang ina ang dalawang beses na pinalo ng suspek sa ulo ng bote matapos nitong protektahan ang kaniyang anak.


Apat na biktima ang nasugatan sa insidente, kabilang ang isang menor de edad estudyante.

Dinala sila sa pagamutan, at isa kanila ang kinailangang i-confine.

No comments:

Powered by Blogger.