Pinatay ng Driver! Dating DPWH Usec. Cabral na dawit sa flood control issue, natagpuang walang malay at unresponsive sa Kennon Road
Natagpuang walang malay at unresponsive si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Catalina Cabral sa malalim na bahagi ng Kennon Road sa Tuba, Benguet nitong Huwebes ng gabi. Si Cabral ang itinuturong nasa likod ng tinatawag na “allocable” funds.
Ayon sa Benguet Police Provincial Office, may lalim na 20 hanggang 30 metro, at malapit sa Bued River, ang lugar kung saan natagpuan si Cabral, ilang oras matapos umanong sabihan ang kaniyang driver na iwan siya sa Kennon Road.
Bagaman iniimbestigahan pa ang dahilan ng insidente, lumitaw sa paunang pagsisiyasat ng mga awtoridad na nasa Kennon Road si Cabral at driver nito dakong 3:00 p.m. patungong La Union.
Pero ipinatigil umano ni Cabral ang sasakyan sa Maramal, Camp 5, Camp 4, at nagpaiwan.
Nang balikan ng driver si Cabral dakong 5 p.m., hindi na niya ito makita.

No comments: