GINALAW AT TINAPON? 5 anyos na babae, natagpuang patay at nakabalot sa sako malapit sa creek



Isang 5-anyos na batang babae na hubo’t hubad ang natagpuang patay sa isang creek ng Brgy. Maugat, Tanauan City, Batangas nitong Miyerkules ng umaga.

Sa ulat ng Tanauan Police, dakong alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng bata na kinilala sa alyas “Angel”.

Sa salaysay ng ama ng biktima sa pulisya, Disyembre 16 dakong alas-6:00 ng gabi nang simulan nilang hanapin ang anak matapos na hindi ito umuwi sa kanilang bahay galing sa paglalaro.

Inabot na umano sila ng kinabukasan sa pag­hahanap subalit,hindi pa rin ito natagpuan hanggang makita ito sa nasabing lugar kinabukasan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen katulong ang SOCO kung saan isinailalim sa technical at forensic ang biktima at sinusuri rin kung ito ay may posibilidad na ginahasa bago pinatay.


No comments:

Powered by Blogger.