Hindi na takot? Kita sa CCTV ang paghablot ng riding-in-tandem sa cellphone ng dalagita
Sapol sa Closed-circuit television o CCTV ang paghablot ng riding-in-tandem sa cellphone ng isang 17-anyos na babae sa loob ng isang subdivision sa Taytay, Rizal, gabi nitong Martes, Enero 14, 2025.
Kwento ng nanay ng biktima na si Ma. Teresa Asuncion, nalaman niya ang insidente nang makauwi ang anak sa kanilang bahay.
Base sa salaysay ng 17-anyos na biktima, katatapos lang ng defense niya sa eskuwela at tinitingnan ang oras sa cellphone nang hablutin ito ng mga rider, habang siya ay naglalakad pauwi.
Kwento naman ni Eddie Santua na nakakita sa insidente, nagpagewang-gewang pa ang motor ng mga suspek nang hablutin ang cellphone ng menor de edad.

No comments: