Walang Awa! Isang Lola nir@pe at pinatay sa sementeryo
Putok ang ulo at wala ng buhay nang matagpuan ang bangkay ng 70-anyos na lola na walang saplot sa buong katawan sa isang sementeryo sa Almendras, Sorsogon nitong Linggo ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Alameda Dichoso, 70, at residente ng Balogo, East District, Sorsogon City.
Kasalukuyang isasailalim ng eksaminasyon ang mga labi ng biktima upang matukoy kung ginahasa muna ang biktima bago pinaslang dahil hubo’t-hubad ito nang matagpuan sa isang nitso ng sementaryo.
May natagpuang ding bato na may bahid ng dugo sa paligid ng crime scene na hinihinalang ginamit sa pagpatay sa biktima.
Kinondena naman ni Almendras Brgy. Chairman Pat Dioneda ang karumaldumal na krimen na aniya ay posibleng ginawa ng isang walang katinuan sa pag-iisip.
Nanawagan din si Dioneda ng tulong mula sa kanyang mga nasasakupan upang mapanagot ang salarin.
Samantala, nitong Lunes, Enero 20, nasakote ng pulisya ang isa sa mga suspek na umamin sa ginawang pangho-holdap at tumuga na hindi umano niya akalaing gagahasain at papatayin ng kasamahan ang matanda.
Sa salaysay ng nahuling suspek, alas 5 ng hapon habang umiinom sila ay dumaan ang lola at napagkasunduan nilang holdapin.
Aniya, nang makitang pinukpok ng kasamahan ng bato ang biktima ay tumakas na siya, at hindi niya alam na gagahasain pa nito ang matanda.
Patuloy pang tinutugis ng pulisya ang suspek na pumaslang at nanggahasa sa biktima.


No comments: