May tulong na! DSWD umayuda na sa nag Viral na Sampaguita girl na sinita
Namahagi ng tulong ang Department of Social and Worker Development (DSWD) sa pamilya ng sampaguita vendor na nag-viral kamakailan matapos itong maltratuhin ng guard ng isang mall.
Ayon sa ulat ng DSWD, binigyan anila ng tulong ang pamilya ng estudyante kung saan personal na inabot ni DSWD Asst. Sec. Irene Dumlao ang P20K kay Nanay Judith, ina ng sampaguita vendor.
Inisyal pa lamang din anila ang naunang tulong na ipinaabot ng ahensya at kukuha pa ng karagdagang impormasyon hinggil sa pamilya. Ito ay upang masuri kung ano pang kaukulang tulong ang pwedeng ibigay sa pamilya kagaya ng sustainable livelihood program.
Kaugnay nito’y nilinaw ni ‘Sampaguita girl’ na hindi siya bahagi ng anumang sindikato.
Matatandaang nag-viral ang lady student na sampaguita vendor matapos silang magkaroon ng komprontasyon ng isang security guard ng isang mall.
Sa nasabing komprontasyon, makikita na pilit siyang itinataboy, sinira ang kanyang paninda at bahagya pang sinipa ng guwardiya.
Sinabi ng vendor na tumigil na siya sa pagbebenta ng sampaguita dahil sa naranasang trauma at online bashing.

No comments: