Pinugutan? 60-anyos na ama pinugutan at tinanggalan ng lamanloob, suspek na sariling anak



Karumal-dumal ang naging pagkamatay ng 60-anyos na ama matapos pugutan at dukutin pa ang kaniyang lamang-loob ng anak na lalaki sa Purok 1A Gapas, Barangay Madaum, Tagum City, Davao del Norte nitong Linggo ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Tagum City Police Investigation and Detective Management Section, bandang alas-6 ng umaga nitong Linggo (Enero 19) nang pugutan ang biktimang nakilalang si Loloy Barles ng kaniyang anak na si alyas Balono Barles.

Matapos pugutan ay kinuha pa ng suspek ang lamang-loob ng ama saka tinadtad at inilagay sa isang container.

Ayon sa pulisya, una nilang inakala na naka-droga ang suspek pero sinasabi ng pamilya na may sakit umano ito sa pag-iisip at sa katunayan ay umiinom ito ng kaniyang maintenance na gamot.

Narekober sa crime scene ang isang bolo, martilyo, pala at kariton na ginamit umano sa brutal na pagpatay.

Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.


No comments:

Powered by Blogger.