NASABOGAN ANG RIDER? Sinindihang whistle bomb, sumabog kung kailan may napadaang rider
Pagsabog ng isang whistle bomb sa gitna ng kalsada sa Taguig kaninang madaling araw, Dec, 25, 2025, nakuhanan ng CCTV.
Ayon sa Taguig City Police Station, wala umanong rider na nagpagamot sa mga kalapit na hospital kaugnay ng pangyayari.
Samantala, natunton ng mga awtoridad ang may-ari at nagsindi ng whistle bomb. Humingi ito ng paumanhin pero bibigyan pa rin ito ng ticket dahil sa paglabag sa City Ordinance na naglalaan ng designated firecrackers at fireworks area.

No comments: