SUMABOG ANG KATAWAN? 2 kabilang ang 7-anyos na bata, patay sa pagsabog sa Brgy. Bacayao Norte


Dalawa katao ang patay, kabilang ang isang 7-anyos na bata, sa pagsabog sa isang umano'y ilegal na pagawaan ng paputok sa Dagupan City, Pangasinan.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na pasado 7 p.m. ng Huwebes nang maganap ang pagsabog.

Nagulat at nabulabog ang mga residenteng nagkakasiyahan sa isang Christmas party ilang metro ang layo mula sa bahay ng pinangyarihan ng pagsabog.

Sugatan ang ina at kapatid ng 7-anyos na bata.

Papunta sana sa Christmas party ang mag-iina nang eksaktong pagtapat nila sa bahay, may bigla na lamang sumabog.


No comments:

Powered by Blogger.