WASAK NA WASAK? 2 SASAKYANG NAKAPARADA INARARO NG TRUCK NA NAWALAN UMANO NG PRENO
Isa ang nasawi habang lima ang sugatan matapos araruhin ng isang trailer truck ang dalawang nakaparadang sasakyan sa tabi ng kalsada sa Brgy. Camaysa, Tayabas City sa Quezon bandang 11:30 ng gabi nitong Sabado, Dec. 20.
Ayon sa imbestigasyon, pababa ang trailer truck na may kargang backhoe nang mawalan umano ito ng preno pagdating sa isang pakurbadang bahagi ng highway.
Sa lakas ng banggaan, naipit ang mga driver na nasa loob ng dalawang sasakyan. Agad namang nagsagawa ng extrication procedure ang mga rescuer upang mailabas ang mga biktima at dinala sila sa ospital.
Idineklarang dead on arrival ang driver ng isa sa mga inararong sasakyan, habang patuloy na ginagamot ang iba pang sangkot sa insidente kabilang ang apat na sakay ng truck. Patuloy rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

No comments: